Ang Pagmumuni-Muni Sa Islam
Ang tinatamasa ng katwiran sa pagmumuni-muni ukol sa tao, sa sansinukob at sa Banal na Qur'an, na mahusay na sumasalamin sa mga katotohanan ng dalawa, ay maihahambing sa mga sariwang mineral na nakuha mula sa mundo. Ang pagpoproseso sa mga mineral na ito, sa kabilang banda, ay bahagi't kapiraso ng puso.
Ang puso ang sentro ng espirituwal na pagdama, ng pakiramdam. Ang tungkulin ng puso, na ipinapahayag din ng mga terminong kawatasan at inspirasyon, ay ang pag-isahin ang mga katibayang inilalahad ng katwiran at samakatuwid ay pahintulutan ang ganap na pagkakaunawa sa katotohanan, na maihahambing sa pagsasama-sama sa mga bahagi ng isang basag na plorera at pagpapalantad ng tunay na hugis at disenyo nito.
Malinaw samakatuwid na ang pinakaganap na paraan upang maabot ang katotohanan at kabutihan ay hinihingi na ang katwiran ay sumailalim sa paglilinang ng banal na paghahayag at isang puso na may ganap na pananampalataya upang makilahok at gumawa ng mga pagbabago para sa mga kakulangan nito. Dahil ang kapangyarihan ng katwiran, tulad ng ibang mga bahagi, ay limitado.